Jonathan Mendoza

Jonathan Mendoza Poems

1.

Komplikado at sanga-sangang pagtuklas ng karunungan
Teknolohya, pilosopiya, batas at kasaysayan
Sumulat ang pinoy sa wikang dayuhan
Kung sanay sa sariling wika ay kay lalim ng natutunan
...

The Best Poem Of Jonathan Mendoza

Wika

Komplikado at sanga-sangang pagtuklas ng karunungan
Teknolohya, pilosopiya, batas at kasaysayan
Sumulat ang pinoy sa wikang dayuhan
Kung sanay sa sariling wika ay kay lalim ng natutunan

Wikang ingles, intsik man o arabo
Wikang latin, pranses man o niponggo
Walang mataas at mababa alinman dito
Pagyamanin ang wika kaya may kasarinlan tayo

Sa ugat ko nananalaytay at dumadaloy sa isipan
Lumalabas sa bibig ko ang salita ng kaalaman
Kung di nila maunawa ang aking nalalaman
Isalin sa kanilang wika upang ito ay matutunan

Galing ng mga tao ang bumubuo sa bansa
Mayaman ang bansang may sariling wika
Bakit mo agad pag aaralan ang wikang banyaga
Kung sarili mong wika ay di maunawa

Peligro ang dulot sa ating pagkatao
Isipin mong puro wikang ingles ang wini-wika ng Filipino
Habang ang wikang sarili ay kinakahiya
Pag magaling daw mag ingles ay ikaw daw ay dalubhasa

Hindi para sa akin ito’y nasa tao at kaisipan
Hindi lang sa dami ng wika na kanyang nalalaman
Hindi lang sa mga salita na kanyang pinagsisigawan
Kundi sa gawain nyang kapakipakinabang

Jonathan Mendoza Comments

Jonathan Mendoza Popularity

Jonathan Mendoza Popularity

Close
Error Success