A Love Story Poem by Pacific Hernandez

A Love Story



-


(Chapter I)

October was the month, year 7 + 50
Ang lugar ay isang classroom sa PCC
Nang siya'y tumambad sa aking paningin
Magandang dilag na simple at mahinhin
Agad na naantig, puso ko't damdamin

Hindi mapigilan, pusong pumipitlag
Lihim na damdamin, gustong ipahayag
Sa aking isip ay may nabuo agad
Kailangang siya ay aking makilala
Ngunit ang modus ay papaano baga

Ang seating arrangement sa class na naturan,
Nasa harap ko siya, ako'y sa likuran
Agad kong napansin, kanyang kasuotan
Ang uso noon na kung tawagi'y H-line
Blusa na may lupi sa baba ng bewang
Na nakapaligid d'on sa may laylayan

Kahit alam ko na yao'y kamalian
Ng kaprasong papel, lupi'y hinulugan
Utos ng damdaming hindi mapigilan
Sa papel na iyon, nakasulat ba'y ano
Yao'y walang iba kundi ang 'I love you'

Sumunod na araw, si Romeo'y balisa
Hindi kumikibo at kakaba-kaba
Kung ano'ng gagawin hindi niya malaman
Reaksiyon ni Juliet, pinakiramdaman
Ang may gawa kaya ay kanya nang alam

Sa loob ng campus, one day, isang araw
Papasok sa canteen, chick ay naispatan
Mayroong kasama, isang kaibigan
This is the right timing, pasok si Don Juan
Tatlong bote ng coke agad binayaran

Sa harap ng dilag agad ibinaba
Ang mga de boteng malamig at basa
Ang magkaibigan, obvious na nabigla
Lumabas ng canteen na rumaragasa
Self-intro ni Romeo ay hindi nagawa
Naiwan sa canteen na nakatunganga

Ang pobreng binata ay kawawa naman
Unang step pa lang, agad nang sumemplang
Nang siya'y pumasok sumunod na araw
Siya'y nakayuko, hiya at mapanglaw
Pero sa dibdib niya, pag-ibig ay apaw

Si Don Quixote ay talagang matapang
Hindi basta basta aatras sa laban
Address ng dalaga'y merong nahiraman
Sumulat, humingi ng kapatawaran
Sa nagawa niyang korning kasalanan

Pinatawad ba 'ko? Di ko matandaan
Marahil ay oo at ito'ng dahilan
Kaya nagpunyagi ang machong Don Juan
Mula noon, nightly, kami'y magkasabay
Tungo sa boulevard, doon nag-aabang

At madalas na ngang siya'y inihahatid
Sa Siyudad ng Pasay, Villaruel Street
Kahit na malayo ako'y nagtitiis
Alang-alang sa tunay ko na pag-ibig

Simula din noon, ako na'y umakyat
Nang ligaw sa kanya, ito ay madalas
Linggo-linggo halos, ito'y walang puknat
Hindi alintana ang layo at hirap
Ano ang dahilan? Pag-ibig na wagas

Di ba't kasabihan ng mga matanda
Pag mayroong tiyaga ay merong nilaga
Ating Panginoon, ako'y pinagpala
Sunday before Christmas, at tanda ko pa nga
Matamis niyang 'Oo' ko'y naging pabuya

To make the story short, I'll make a fast forward
And to see past events, I will have to rewind
I will make still pictures of events relevant
to the next five years of our still unmarried life
so full of happiness, but sometimes very sad

(End of Chapter I)

COMMENTS OF THE POEM
John Oconnell 17 February 2010

beautiful rhythm and the last line is so true. john

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success