Puyat at inaantok,
Hindi pa rin makatulog,
Anong pwedeng magawa,
Ilang oras nang nakatulala.
Bumangon sa higaan,
Tumayo nang marahan,
Huminga nang malalim,
Pintig ng puso’y matulin.
Tinanong ang sarili,
Ba’t hindi mapakali,
Nakikinig sa kuliglig,
Saka uminom ng tubig.
Matapos ang lahat,
Sa higaa’y bumalik agad,
Pinikit na ang mata,
Hay, umaga na!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem