Treasure Island

Elle Barr

(Philippines)

(A Tagalog Poem) Sino ang Tunay na Pilipino?


Sino ba ang tunay na Pilipino?
Ang tanong ko sainyo,
Sa kanyang kulay siya ba'y makikilala,
Sa tangkad ba o hugis ng kanyang mga mata?
Sa paraan ba ng kanyang pagsasalita,
Sa ayos o hugis ng kanyang mukha?
Sa uri ba ng kanyang trabaho?
O kanyang kwarta sa bangko?


Tinanong ko si manang tindera,
At eto ang kanyang ratsada,
"Ang tunay na Pilipino,
Sa paniwala ko,
Bumibili ng sariling atin,
Para matulungan bansa natin."


Tinanong ko ang isang madre,
At eto ang kanyang sinabi,
"Ang tunay na Pilipino,
Sa nararamdaman ko,
Maka-Diyos at saka makatao,
At hindi nang-aapak ng kapwa tao".

Tinanong ko si manong pulis,
At sinagot ako ng mabilis,
Ang tunay na Pilipino,
Sa pakiwari ko,
Mahal ang Pilipinas,
At sumusunod sa batas.

Tinanong ko ang isang ina,
At sinagot ako niya,
"Ang tunay na Pilipino,
Para sa akin,
Matulungin at maalalahanin,
Nagsasakrisyo para sa bansa natin"

Para saiyo,
Sino ang tunay na Pilipino?
Pipilitin kong sagutin ito,
Buksan ang iyong puso,
Bulong nito'y pakinggan mo,
Kung sinisigaw nito
Na ikaw ay Pilipino,
Ikaw ay Pilipino!
At ipakita ito,
Sa mabuting paraan na alam mo.

Submitted: Thursday, April 29, 2010
Edited: Saturday, October 20, 2012

Do you like this poem?
0 person liked.
0 person did not like.

Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?

Comments about this poem ((A Tagalog Poem) Sino ang Tunay na Pilipino? by Elle Barr )

Enter the verification code :

  • Richelle Barrameda (5/7/2010 1:15:00 PM)

    Walang sinasabi ang tulang ito na ang tunay Pilipino ay yaong nakatira lamang sa PIlipinas. Kahit saang sulok sa mundo, may Pilipino, mga global pinoy na kababayan natin na nagsisikap magtrabaho, makatulong lamang sa pamilya na naiwan sa Pilipinas. Sa mga susunod na araw, gagawan ko rin sila ng tula... Kung ikaw ay Pilipino, kahit saan ka man naroroon sa mundo, ikaw ay Pilipino! 'At ipakita ang pagiging tunay na Pilipino sa mabuting paraan na alam mo' sabi nga sa tula.... At sa tingin ko naman ay ginagawa nila ng mainam at mabuti... Ang sigaw ng puso ay hindi pwedeng patahimikin, kung ito'y kusang pinagsasawalang bahala, lalo lamang mahihirapan. Ang totoo ay totoo at hindi tayo pwedeng tumakas dito.... (Report) Reply

  • Manonton Dalan (5/7/2010 12:11:00 PM)

    AYWAN wala na yatang naiiwan.pag mayroon pang naiwan
    ibang-iba na tayo pero okay pa rin sa akin. ang kaso nakikibagay
    tayo kahit sinong tao...iyan siguro ang tunay na pinoy. salamat md. (Report) Reply

Read all 2 comments »

Top Poems

  1. Phenomenal Woman
    Maya Angelou
  2. The Road Not Taken
    Robert Frost
  3. If You Forget Me
    Pablo Neruda
  4. Still I Rise
    Maya Angelou
  5. Dreams
    Langston Hughes
  6. Annabel Lee
    Edgar Allan Poe
  7. If
    Rudyard Kipling
  8. I Know Why The Caged Bird Sings
    Maya Angelou
  9. Stopping by Woods on a Snowy Evening
    Robert Frost
  10. Invictus
    William Ernest Henley

PoemHunter.com Updates

New Poems

  1. Ideals, Somanathan Iyer
  2. That's Racist, Lawrence S. Pertillar
  3. The best I could do, Somanathan Iyer
  4. A Confidence Born Of Grace, John deVries
  5. HAIKU...The Wizard of Ice, Ken e Hall
  6. Beautiful, Asit Kumar Sanyal
  7. Landscapes Of Rhythm, RoseAnn V. Shawiak
  8. Sonnet To My Farewell, Randy McClave
  9. Own duty, gajanan mishra
  10. Oligochaeta, John deVries

Poem of the Day

poet Anne Bradstreet

Lo, now four other act upon the stage,
Childhood and Youth, the Many and Old age:
The first son unto phlegm, grandchild to water,
Unstable, supple, cold and moist's his nature
...... Read complete »

   
[Hata Bildir]