Abroad Na Si Ate Poem by joven123 Demapitan

Abroad Na Si Ate



ABROAD NA SI ATE
Words & Music: Rock, Paper, Scissors

Nakita kita sa facebook, sa harap ng airport
Hila-hila ang stroller, hawak ang passport
Ang saya ng iyong ngiti, parang pang pageant
It's a dream come true na ikaw ay aalis.

Ang nanay mo kahit na mayluha
Siya'y umaasa, padala mong biyaya
Ang tatay mo kahit laging lasing
Siya rin umaasa sa stateside na inumin.

CHORUS
Lahat sila ay masaya na ikaw ay aalis na
Lahat sila umaasa sa darating na ginhawa
Sana nga'y palarin ka sa lupaing banyaga
Sana makauwi ka, na walang problema

Si Nene ay maybilin, Iphone sa pagdating
At kay kuya nama'y android tablet bibilhin
Mga kapit-bahay ay naiingit din
Sana sa iyong padala, makakautang din.

Sa loob ng eroplano ikaw ay nahilo
at ikaw ay nasuka kasi nga first time mo
paglapag sa airport, ikaw ay nangilabot
gusto mo ng magising sa isang bangungot.

CHORUS
Lahat sila ay masaya na ikaw ay aalis na
Lahat sila umaasa sa darating na ginhawa
Sana nga'y palarin ka sa lupaing banyaga
Sana makauwi ka, na walang problema.

Abroad Na Si Ate
Sunday, February 7, 2016
Topic(s) of this poem: song
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success