Ako Si Mark Atas Poem by Mark Atas

Ako Si Mark Atas

Ako si mark atas feeling ko lang ako'y makata
mga babae, sa akin ay humahanga
Ako'y may dugong mandirigma
kahit na minsan mukha lang tanga

Anak ako ng tatay ko
iniluwal naman ako ng nanay ko
masaya sila noong pag labas ko
inis naman sila ngayong malaki na ako

Pasaway ako kung maituturing
madalas kasi, meron akong tuliling
masarap naman pag ako'y kapiling
parang lalaki sa iyong hiling

Talento ko raw ay umaapaw
puno ng sustansya parang sitaw
kung sa pag-ibig ika'y uhaw
pangalan ko lang iyong isigaw
agad mo akong matatanaw
lungkot mo ay malulusaw

Kung ikaw ay hindi pa bilib
sa katawan ko ika'y sumanib
don't worry hindi ako mapanganib
safe ako parang tubig na iyong inigib

Ang tulang ito'y aking pinag isipan
sana naman inyong hangaan
kahit konting barya lang jan
pambili ng yosi sa may tindahan.

Salamat sa aking mga kaibigan
mahal ko kayo, walang hanggan
ako man ngayon ay paglamayan
hinding hindi ko kayo malilimutan.
totoo yan peksman.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success