Ako'Y Sayo, Ika'Y Akin Lamang Poem by Fredoneth Jonelas

Fredoneth Jonelas

Fredoneth Jonelas

Centro Poblacion, Culasi,5708 Antique, Philippines

Ako'Y Sayo, Ika'Y Akin Lamang

Rating: 3.5

Sa sulok mang doon, kung sa'n naroroon,
Ika'y nasulyapan, lingid sa 'yong kaalaman.
Hangin ay nag-iba, sayo'y nakanganga,
Ni ingay ng iba ay hindi nakaabala.

nahihiya akong itanong pangalan mo
Natotorpe ako kahit lumapit lang sa 'yo.
Sa taglay mong ganda ako'y napahanga,
Nilakasan ang loob sa 'yo'y nagpakilala.

Nagsimula ang lahat sa isang kasiyahan,
Kung saan kah dumalo nang ika'y inimbitahan.
Nang kakilala mo at nang kakilala ko,
Sa isang pagtitipon sa buhay ko ay nagbago.

Pagkatapos noon ay nagsimula ang lahat,
Sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan.
Sa kabila ng lahat at kahit anung banat,
para sa 'yo ang dulot ko'y kasiyahan.

Ang akala ng iba tayo ay kasal na,
Dahil 'di mapaghiwalay ng kahit sino pa.
Buo ang araw ko kung makikita ka,
Ganun ka din, patas tayo di ba?

Hay! ang pag-ibig nga naman,
Ang dulot sa buhay ko'y kasiyahan.
Na hindi kayang palitan kahit anung kayamanan,
Hindi kayang bitiwan kahit anung pagdaanan.

COMMENTS OF THE POEM
Erika Wingo 28 September 2012

I'd love to be able to read this poem translated into english!

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Fredoneth Jonelas

Fredoneth Jonelas

Centro Poblacion, Culasi,5708 Antique, Philippines
Close
Error Success