' [ Akoy's Isang Bulag, Pipi At Bingi ] ' Poem by Ency Bearis

' [ Akoy's Isang Bulag, Pipi At Bingi ] '

Rating: 5.0


{ One of my poems in Pilipino (Tula) and posted it here per request by someone. }


Minahal ba kita
dahil ba sa ikaw ay isang dyamante
dahil ba sa ikaw ay isang ginto
dahil ba sa ikaw ay isang nakakaakit na tala
- na ang mundo'y sa iyo nakatingala
dahil ba sa ikaw ay isang awit
- na nakakahalina sa aking kaluluwa
- at sa kadahilanang kapanglawan ay aking langit
- at ang awit lang ang nakakagising sa aking kaluluwa
- at sa pagising taglay ang aliw

Hindi lahat ng yan ay ang katwiran
- dahil di ako makakita at makarinig

Kung ano pa man ang dahilan
- minamahal kita kahit papaano
- dahil sa ikaw ay ikaw

Kung ano pa man ang dahilan
- ano pa man ang sinabi ng mundo
- laban sa iyo, di ko pinapakinggan

At ano man pa man ang iyong nakaraan
- wala akong puna at masabi
- dahil manhid ang aking dila

At ano pa man ang iyong pinagdaanang karimlan
- itago mo lang, mata ko ay di mo mapilit sumilip
- at ako ay bulag sa ano man ang iyong pinagdaanan

At kung ikaw ay naroroon pa rin
- sa tatsulok ng karimlan
- ako man ay pipi pero sasabihin ko sa 'yo
- mapapakinggan mo ang aking maamong salita
- ako man ay bulag, maigagabay kita
- at ako ang magiging lampara mo tungo sa
- kaliwanagan ng buhay na marangya



Ency Bearis
2010 All rights reserved

Thursday, September 25, 2014
Topic(s) of this poem: Love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success