Ala-Ala Poem by Gianni Pansensoy

Ala-Ala

Mula ng ika'y dumating,
sa isang lib-lib na sulok ng aking katinua'y
namalagi ka ng kusa,
at ang tanging dala,
isang maletang may naka-kubling pag-ibig,
animo'y isang napaka-lakas na bagyo,
hanging taglay nito ay may matamis na pangha-hagupit,
tuluyan ay mundo ko'y sinasalanta,
laman ng isipan ko ay laging ikaw,
buhay ko ay binubuwal ng husto,
ala-ala ko ay binabagyo,
sa sandaling ika'y hindi makita,
mga mata'y mag-durugo,
kay tamis nga palang umibig sa ini-ibig.

Sa dulo ng dalampasigan,
kalagitnaa't mata ng bagyong Yolanda,
may kayapaan at katahimikan,
subalit ang lamig sa loob ng bahay-kubo
tila ay napaka-init,
lahat ng panunukso ay kaya kong pigilan,
maliban sa alindog na iyong hatid,
buong pagkababae ay iyong inalay,
hayaan mo,
habambuhay kitang mamahalin,
tanging kamatayan lamang ang
makapag-hihiwalay sa atin: wagas.

Saturday, November 9, 2013
Topic(s) of this poem: poem
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
poem
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success