Alay Ni Tatay (Father’s Sacrifice) Poem by Captain Herbert Poetry

Alay Ni Tatay (Father’s Sacrifice)

May isang pamilyang hikahos sa buhay. Si Nanay ay mahina at maysakit. May tatlong na hindi makapag-kolehiyo dahil si tatay lang ang nagtataguyod. Hindi sapat ang kanyang mga kinikita sa kompanya.
   Sabi ng mga anak ng mga anak sa kanilang tatay na mag-aaral silang mabuti kapag tumuloy sila sa kolehiyo. 'Papagot namin si nanay at titigil na kayong magtrabaho, ’tay. Sabi ng ama ' Sa susunot na semestre, pangako, mag-aaral na kayo lahat'. Sobrang saya ng mga anak. Si tatay ay mahal na mahal niya ang kanyang mga anak at gagawa talaga ng sakripisyo para sa kanila. Hindi niya matiis ang paghihirap ng pamilya. Ang mga anak ay nagtitinda para makatulong sa pangaraw-araw na pangngailangan. Hindi kasya at sapat ang pera para makapag-aral para sa mga pangarap ng mga anak na mababait, masisipag at mapagmahal.

Kinabukasan, habang abala ang mga anak sa paglilinis at pag-aalaga kay nanay ay may natanggap silang masamang balita. Nasagasaan ang ama nila at agaw buhay sa ospital.Nabigla sila, natakot, at sobrang nag-alala. Pinuntahan nila ang kanilang tatay na walang malay na may mga sugat at pasa.

At maya-maya ay nagkamalay ng bahagya si tatay at naglapitan sila  Nagsalita siya habang nanghihina at nagbilin, ' Mahal na mahal ko kayong lahat.Gagawin ko lahat para sa inyo. Kahit buhay ko’y iaaalay para lamang sa inyong kabutihan.'

    Maya maya’y unti-unting nalagutan ng hininga ang tatay at pumanaw dala na rin ng mga pinsalang natamo sa katawan. Hinagpis na nadudurog  ng pag-iyak ang pamilya na damang dama ang pagkalungkot at pagkawala. 'Paano na tayo? Paano na ang buhay natin at paano na ang kinabukasan natin', sabi ng mga anak. Kapos na kapos na sila at wala ng pantustos araw-araw.
  Dahil sa sobrang awa at danyos ng taong nakasagasa sa kanilang tatay ay sinagot niya lahat ng gastusin at pagpapalibing. Binigyan sila sapat na halaga upang magsimula uli. Binigyan sila ng full scholar at allowance habang nag-aaral. Napagamot din nila ang kanilang nanay at ito'y gumaling na
   Pagkatapos ng sipag at tiyagang pag-aaral ay nakatapos din sila ng kolehiyo na may mga natanggap na karangalan. Nakahanap ng sila ng magandang trabaho at magandang buhay. Dumating ang death anniversary ng kanilang tatay ay nagsama -sama silang dumalaw kasama ang nanay nila.

        Habang nag-uusap may lumapit sa kanila na isang lalaki na kaibigan ng tatay nila. Ikinuwento ng kaibigan ang lihim at sakripisyo ng tatay. Malungkot na malungkot daw ang tatay nila dahil sa kanilagang kalagayaan noon. Nagkwento ang tatay nila na gusto niyang aksidenteng magpasagasa sa isang napakayamang tao. Akala ng kaibigan ay biro lang at hindi seryoso.Sinabi niya na sabihin ko daw sa inyo na Patawarin niyo ang ginawa niya kapag nakatapos na kayo. Nag-iyakan ang mag-iina habang nagyayakapan.

     Dumating ng araw ay naging mayaman na rin ang kanilang pamilya at nag-ipon din sila ng malaking halaga upang ibalik din sa taong nakasaga ang lahat ng itulong sa kanila.

   Hindi nila malilimutan ang alay ng buhay na ginawa ni tatay makatawid lamang sa malaking agos ng buhay.

Maikling kwento ni Herbert Guitang

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success