Aliw Ng Tulang Pilipino Poem by MELVIN BANGGOLLAY

Aliw Ng Tulang Pilipino

Rating: 5.0


ALIW NG TULANG PILIPINO
melvin Banggollay


Napakaganda at matalinghaga
Ang pagkasulat ng ating mga tula
na sadyang nakakamangha
Tulad ng isang awit hatid ay saya.

Ang bawat tao ay may kakayahan
Tulad ng liping aking pinagmulan
Na may wikang iba ang pamamaraan
Sa paghabi ng diwa ng katutuhanan.

Kaya dapat linangin ang pag-gawa
Ng mga tulang puno ng saya't diwa
pagkat sa paraang ito'y maipakita
Ginintoang awit ng puso't kaluluwa.

Dapat ipagbunyi wika't kakayahan
Pagkat may angking kaibahan
Na wala sa ibang salitang dayuhan
Kaya linangin at dapat ipaglaban.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
MELVIN BANGGOLLAY

MELVIN BANGGOLLAY

Natonin, Mountain Province, Philippines
Close
Error Success