Ang Bati Ko Poem by cris sison

cris sison

cris sison

North Road Daro Dumaguete City, Philippines

Ang Bati Ko

Rating: 3.5

Ang araw ng iyong kapanganakan
ay dumating na
at sa araw na ito
ikaw ay tatanda na naman ng isang taon
hay! naku, ang bilis ng panahon
di ba't kailan lang pinagdiriwang natin
ang iyong kaarawan
pero heto naman ulit
nagpapahiwatig na tumatanda ka na
at hindi na bumabata
pero huwag kang mag-alala
hindi naman halata sa iyong mukha
kaya dapat ipagpasalamat
sa poong maykapal
na muling nadagdagan
pinahaba pa ang iyong buhay
at ang iyong walang kupas na kabataan
(na sa takdang oras ay mapapalitan ng kulobot)


Sa araw na ito ay hangad ko
ang iyong tunay na kaligayahan
at hayaan mo ako
na batiin ka ng MAliGaYang KaaRawAn! ! !
naway pagpalain ka ng Diyos
Aking Matalik na KAiBigAn...

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
cris sison

cris sison

North Road Daro Dumaguete City, Philippines
Close
Error Success