Ang Digmaan Poem by Jose Ramir Encabo

Ang Digmaan

Sabog dun, sabog dito. Putok dito, putok dun. Pag tingin sa paligid ika'y nag isip. Sira na ba ang mundo? Kasi puro dugo ang tumutulo.

Eroplanong pang digmaan lumilipad sa ulap. Tangkeng pang patay lumalakad sa lupa. Mga taong nasa larangan ng digmaan, walang naisip kundi ang sariling bayan.

Mga sundalong may pangarap naglalaban para magtanggol o magsalakay. Gastos sa buhay walang kuwentang gawain. Pagtapos ng giyera, kala panalo. Pero ang katotohanan ay lahat talo.

Lahat ay talo dahil sa maling gawain na ito. Ang pag patay ng kapwa tao. Ang pagsalakay ng isang bansa sa kapwa bansa. Para lamang dumami ang lupa. Ang gulo na ng mundo. Wala nang himalang mabubuo.

Sunday, August 31, 2014
Topic(s) of this poem: truth
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success