Ang Lumang Aklat Poem by Marites C. Cayetano

Ang Lumang Aklat

Ang lumang aklat
bigay ni nanay sa kanya
subalit
dahil wala naman siyang hilig magbasa
sa isang lumang kahon sa bodega
ay doon niya lang itinambak.

Ang lumang aklat
nang si ate'y naglinis sa bodega
kasama ng mga basura
ito'y itinapon
at sinunog ng basurero
isang araw ng biyernes.

Ang lumang aklat
nang si nanay ay pumanaw
ito'y kanyang hinanap at hinanap
...at hinanap...
ang lumang aklat
tangi niya sanang alaala kay nanay.

Thursday, April 17, 2014
Topic(s) of this poem: remember
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success