Ang Pagmamahal Poem by Reagan A. Latumbo

Ang Pagmamahal

Pagmamahal
Isang napakagandang salita.
Katulad ng isang musmos na bata
Ang katulad mo kung magmahal
Batang hindi pansin ang anumang problema
Kung hindi ang maging masaya.
Umiyak man ito't
Pero panandalian lamang.
Ang hinanakit sa dibdib kaydaling makalimutan
Dahil ang pagmamahal ay laging nariyan.
Kung ako'y magmamamahal
Sisiguraduhin kong ang aking minamahal
Ay hindi lalayo sa akin
At hindi ko hahayaang gumawa ng isang bagay
Na ako'y kanyang kakalimutan, iiwan.
Mahalin natin ang isa't isa
Hanggang sa dulo ng walang hanggan!

This is a translation of the poem Ang Paghigugma (Loving) Ilonggo Poem by Shelomith Noarbe
Monday, March 30, 2015
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Reagan A. Latumbo

Reagan A. Latumbo

Pasay City, Metro Manila, Philippines
Close
Error Success