Bilog nga ang mundo, ang iksi ng buhay
Hindi alam kung kailan mamamatay
Ningning ng kandila sa buhay ay gabay
Ay t’yak maglalaho sa ihip ng hangin
Pinipilit kong burahin sa’king isip
Ang alaala, nguni’t nagsusumiksik
Patuloy kong naririnig ang pighati
Ang kanilang sigaw na umalingawngaw
Nananaghoy sa sobrang sakit at kirot
At sa puso ko ay nanatiling sugat
Na hanggang ngayo’y ‘di pa rin magamot
Mahapdi at patuloy na kumikirot
Dahil nananatili pa rin ang ugat
Sanhi ng pagkitil ng maraming buhay
Ng ating mga kabayan na nagbakasali
Sa Ultra, higit tatlong taon na ang lumipas
Na naging libingan ng 71 kababayan
Naghangad ng magandang kinabukasan
Isinugal buhay nila’t kapalaran
Nagwakas sa kandungan ni kamatayan!
Salamat ng marami sa iyong pagpapaalala...ako'y nagagalak sa iyong tula.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
A nice tribute to the people who die in Ultra...totoo ka nagbakasakali dahil sa hirap ng buhay...thanks for your reminder..I had been in that situation too.. nagbakasali rin dahil sa hirap ng buhay sa atin...read my poem - Free From Social Cancer - if you got time and you will know what is all about... Best Regards Kabayan, Ency Bearis ===========================================================