Luntiang damo, ipinagkait sa kabayo
Sa mga buwaya mas piniling ipaubaya
Ni ugat at sanga ay walang ipinamahagi sa maralita
Habang kanilang mumog ay sa mga tuta napupunta
Busilak na puso, sinong may taglay
Mga liryo na lang bang nakahimlay
At mga paru-parong makukulay
Pagkat halos lahat na ay hangal ang kapantay
Pilantod na pangarap ng mga dukha
Katuparan kaya ay masasalat, makikita
Kung sistema ng lipunan ay lalo namang lumalala
Pasanin sa balikat ni Juan ay lalong dumadagsa
Sa luklukang makinang
Nakapila maging manlilinlang
Sa kamay ng tulad ko at tulad mo
Nakasalalay ang kinabukasan ng ating gobyerno
Ang pagbangon ng sariling bansa
ay sa tugon mo nakaasa!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem