Bakit? , Oh Aking Ginigiliw Noon Poem by Didith Marcelo

Bakit? , Oh Aking Ginigiliw Noon

Minsan ba Naisipan mo
Na ako'y iyo lamang?
Minsan ba napansin mo
Ang tawag ng aking puso?

Ako'y nangarap, ikaw ang minimithi.
Ngunit bakit?
Bakit mo ako hinayaan,
Hinayaan mo akong mapariwara
Sa pag ibig ko sayo.

Alam mong Mali,
Mali ang ikaw ay mahalin
Sapagkat ang puso mo di pwede maging akin.

Ngunit bakit?
Bakit mo ako hinayaan,
Ika'y walang salita,
Ako'y naghintay sa bibig ng iyong puso.

Ngunit isip mo umiiral,
Sapagkat ikaw ay nakakulong sa libog.
Ako'y nagtaka, kailan kaya?
Kailan ikaw magising
Sa kasinungaling ng iyong kasiyahan,
Libog na iyong inaalagaan.

Ako'y naawa, naawa di saakin sarali.
Sayo oh aking ginigiliw noon, bakit?
Di ka ba magbabago?
Hanggang kailan ikaw mananatili?
Pakiusap ko sayo mahabag ka
Di saakin sarili,
Kundi sayong kapakanan.

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Ako'y umibig sa maling Tao.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success