* Bala At Rosas Poem by Inner Whispers

* Bala At Rosas

Rating: 2.6


Tila butil na lamang ng mais kung aking ituring
Ang balang tangan lagi nang kapiling,
Sa bawat pagputok sa nakaumang na baril
Paningin ko'y naniningkit, puno ng ngitngit, nagngangalit!

Isandaang porsyento, tyak tatama saiyo
Asintado, pulso'y di palyado,
Sa mga trainings na ginawa't pinagdaanan ko
Kahit yata langaw kayang patumbahin nito!

Subalit kahapon, sa unang pagkakataon
Tinugis na kriminal na nanaksak sa agaw-bag ako'y nataon,
Habamg lulan ng motorsiklong umuugong
Nahablo't ko't natadyakan, sinikaran ang kumag na mangmang!

Putok ang bibig, walang nagawa kundi manikluhod
Habang nakatutok, bala'y nakaambang sumabog,
Nanaghoy na tila bata'ng minaltrato't binugbog
Humalo ang luha sa sipon, nagpang-abot.

'Hala, kamay sa likod! ', ang aking bulyaw
'Kung ayaw mo'ng mabawasan ang isang katulad mo...
Nuknukan ka ng sama, manaksak na lang basta
Mapunan lang ang kumakalam mo'ng sikmura, punyeta! '

Humagulgol ang walanghiya, na tila bata
'Ang anak ko, Maam, nasa hospital, kritikal! '
'Wala'ng ibig magpautang, ni pulitiko'y nilapitan
Beinte pesos lamang ang inabot, kahit nanikluhod! '

Hinaplos bigla ang puso ko sa mukhang nagmamakaawa
Puno ng pait at kawalang pag-asa, putok ang bibig, lumuluha,
Tila napawi ang galit na sa akin ay lumukob
Posas ay inilagay at hinayaang makatayo.

Binagtas ng patrol ang Marcos Highway
Hanggang huminto kami sa tapat ng Sto. Nino Hospital
Doon pansamantalang nakaratay
Ang pangalawang anak na nag-aagaw-buhay!

Puputukan na ng apendecitis ang bata, hindi pa inaaruga
Ng dyaskeng hospital, ang sarap sunugin, hindi ba?
Humihingi ng deposito, paano na ang maralitang tulad nya
Magtitiis na lamang ba at mag-aantay ng wala, kamatayan pwede na?

Hospital regulations, ganito, ganoon
Ang esplika ng nakatao sa registration,
Pwe! Ano't laging ganito, oo na't nandoon na tayo
Ngunit naman...maging makatao, sumalba naman, ano ba 'yan!

Inatasan ko sila'ng gawin agad ang operasyon
At ang mamang kriminal, napayakap, humagulgol,
Inusal ang pasasalamat ng paulit-ulit
At handa na raw siyang sa kulungan magbayad at manahimik.

'OO nga't naisalba ang buhay na hinangad
Subalit ikaw naman ay sa kulungan mapapadpad.
Papano na ang pamilya mo, saan pupulutin
Kung wala ka na upang sila ay kalingain? '

'Maisalba ko lang ang anak ko, masigurong buhay ito,
Maam, lahat gagawin ko! Miski kapalit ang buhay ko! '
Napailing ako sa nakitang pagsuyo
Ng ama sa anak kahit ano isusuko!

Ngunit ang krimen ay krimen,
ano man ang dahilan nito
Kailangang pagbayaran,
dahil buhay din ang muntik nang nawalan!

Mga pulitiko'y walang kwenta minsan
Sa bingit ng panganib, hindi sila malapitan,
Ano ba ang tingin nila sa buhay ng isang mangmang?
Beinte pesos lang ba, Ha, mga bwakang-ina!

At aking napagtanto, kahit gaano kabilis ang kamao't paa ko
Bala man ay simbilis ng kidlat, agad nahaharang ng rosas,
Rosas ng pang-unawa't pagmamahal sa kapwa'y nasa puso
Isip at adhika ko ang tumulong sa madilim na pagtahak nito!

COMMENTS OF THE POEM
G.satish kumar 27 April 2022

Gooooooooood poems......

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success