Batis Poem by bonifacio alba

Batis

Ikaw ang batis na dumadaloy
At nagpapalakas sa pintig ng puso
Na siyang nagbigay buhay at kulay
Upang damhin ang ligaya at pag-asa.

Nawa’y andiyan ka palagi
Gumagabay sa bawat sandali
Na sa pagtahak sa landas ng buhay
Maging liwanag ka sa aking paglakbay.

Kaya hangad ko lang sana...
Kahit sandali ngiti mo’y magisnan
Para ang lungkot kong nadarama
Mapawi o mabawasan man lamang.

Subalit kung tuluyang maglaho
Ang batis ng pag-asang dinarama
Damhin ko ang hapdi nitong dulot...
Ang tuyo’t tag-araw ng kawalan.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success