RIC S. BASTASA


Bored - Poem by RIC S. BASTASA

Bored na bored ka
pag 3 o clock na
ayaw mo namang kumain
baka tumaba ka pa
ayaw mo namang manood
ng tv kasi masakit na ang
mata mo sa kababasa sa
mga balitang nakakapayat sa
puso ng ulyaning taong
kagaya mo

lalabas ka sa bahay
patingin-tingin sa mga
punongkahoy
nakikinig sa awit ng
hangin at paakyat-akyat
sa may bangin

wala na talagang
magawa
balik sa bahay
mag-compose ng tula
o ng isang munting
kwento

tungkol sa taong
muntik ng tumalon
sa bangin
at magpakamatay

dahil bored na bored
na siya
pag 3'clock na ng
hapong hapong hapo na
sya.


Comments about Bored by RIC S. BASTASA

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Tuesday, September 10, 2013

Poem Edited: Tuesday, September 10, 2013


[Hata Bildir]