Di Ko Inakala(Filipino) Poem by Jean Barcena

Di Ko Inakala(Filipino)

Rating: 5.0

Araw-araw palagi kitang nakikita
Hindi ko lamang pinapansin ang iyong mukha
Akala ko ikaw ay barumbado
Yun pala ay hindi totoo

Nang isang araw ikaw ay makilala
Hindi ko inasahan na iyon na ang simula
Araw-araw ikaw ang iniisip
Di makatulog at hindi makakain

Dumaan ang mga araw puso ko'y nahulog
Sa iyo an tinitibok nitong aking puso
Pag nakikita ka araw ay ko ay sumasaya
Lalo na ng ikaw ay aking makasama

Hindi ko inaasahan ang pangarap ko'y magkatotoo
Ikaw ay nagtapat ng pag-ibig mong tototo
Hindi ko inakala na mahal mo pala ako
Kaya ng ikaw ay nanligaw ikaw ay sinagot ko

Friday, August 1, 2008
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Jean Barcena

Jean Barcena

cannery site, polomolok, south cotabato
Close
Error Success