Does God Really Exist? Poem by Captain Herbert Poetry

Does God Really Exist?

May Diyos Ba Talaga?

Bakit hindi tinatamaan ng kidlat ang magnanakaw?
Bakit hindi sinusunog ang mga pumapatay ng mga inosente?
Bakit hindi napuputulan ng ari ang mga rapist?
Bakit hindi napaparusahan ang mga nanananakit ng mga bata at mga kababaihan?

Bakit nabubuhay pa rin ang mga gumawa ng karumal-dumal na krimen?
Bakit kailangan pang tumagal para mabunyag ang mga lihim ng pandarambong?
Bakit nahahayaang mangurakot ng pera ng mga kawawang tao?
Bakit ang daming walang makain at sa mga sulok lang o creek nakatira?

Bakit wala ng natatakot sa Diyos para manloko ng kapwa?
Bakit maraming nagsisimba at relihiyoso subalit walang pagmamahalan?
Bakit sobrang dami ng mapagmataas kaysa mapagkumbaba?
Marami ng makasarili, gahaman sa pera at materyal na bagay

Sobrang hirap magpatawad sa mga sumira ng buhay
Sobrang hirap magpatawad sa mga umiwan sayo
Mahirap man intindihin ang masalimuot ang isip ng Diyos,
Ay mahirap maunawaan ang lawak ang kanyang plano

Masakit sa kalooban ang matapakan ang ating pride
Kaya gustong gusto natin gumanti at lumaban
Nagtatanim ng sama ng loob sa mga umapi sa atin
Sobrang hirap pakawalan ang pagpapatawad lalo na pag sinira o kinitil ang buhay ng ating mahal sa buhay.

Imposible man itong gawin na magpatawad, subalit may kakaibang espiritu ang Diyos na mananahan sa atin at tatanggapin ng ating isipa’t damdamin upang magawa ang kapatawaran.
Sa pananalangin at buong pagsuko sa Kanya mapapagtagumpayan
Tagumpay hindi sa panglabas na bagay kundi sa ating kailalimang budhi
Mahirap unawain ng ating mga mata ang nakikita natin sa mundo at nangyayari
Mahirap maarok ng ating pandama ang mga lumalalang sitwasyon sa ating paligid

May Diyos ba talaga? Lahat ng uri ng tao ay umibig at nagmahal tulad mo at ako.
Sa iyo at sa ating kailalalimang puso’y tayo lamang ang makakasagot.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success