Hangad Ko’y Lagi Kitang Kasama Poem by Paul Pruel

Hangad Ko’y Lagi Kitang Kasama

Ang malalagkit mong tingin
Na nagpapahiwatig ng pagsuyo
Ang mamasa-masa mong mga labi
Na naghihintay ng aking pagkalinga

At walang katapusang pagsinta
Kailangan ka ng aking mga haplos
Sa bawat araw at gabi na lilipas
Na walang kasalo: tayong dalawa lang

Sa sarili nating mundo sa buong magdamag
Pagsasaluhan natin ang tamis ng pag-ibig
Hanggang ang kaluluwa nati’y magsanib
Ikaw ang nagbibigay kulay sa buhay ko

Hangad ko’y lagi kitang kasama
Kahit ang mundo’y huminto
Sa kaniyang pag-ikot...

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success