Hibang Na Pag-Ibig Poem by Roselyn A.M.

Hibang Na Pag-Ibig

O pag-ibig kailan ka titigil
Mata mo'y buksan at ng iyong mapansin
Mapagsamantalang puso iba ang hangarin
Kahinaan mo ay di dapat gamitin

Isip ay buksan at ng iyong malaman
Ang mali kahit kailanman ay di naging mainam
Pang-unawang kaytagal nang nalalambungan
Maling akala'y dapat ng maparam

Tuna'y ngang pag-ibig ay sadyang wagas
Nguni't paano kung ito'y magamit ng isang ahas
Mapanukso niyang galaw at ng angking tikas
Sa kamandag ng kanyang dila ika'y di makaiwas

Sa isang sulok ng mundo mong tahimik
Ni sa isang saglit di mo naisip
Puso mong sugatan ay kanyang masagi
At ang kirot nito ay biglang napawi

Mga sandali ay pinuno nya ng sigla
Kahit sa simula ay may pagdududa
Mata ay ipinikit sa ligayang kanyang dala
Kahit puso'y nagtatanong, 'tunay bang talaga'

Ngunit kahit anong tago'y pilit sumisilip
Ang katotohanang ikaw ay sakdal nagamit
Kahinaan mo ay naging kalasag man din
Ng isang pusong sa palaso'y kumapit

Hanggang kailan kanyang itatanggi
Kung patuloy na gagamitin ang pusong api
Tumayo siya at ipagtanggol ang sarili
Kung ang paghatol mo ay pawang mali

Nasaan ang pag-ibig na sa tuwina'y sinasabi
Hanggang sa buka lang ito ng kanyang mga labi
Patunay kailanman ay di kayang magawi
Sapagkat puso'y hungkag at iba ang nais

Puso mo'y naninimdim at gusto ng tumigil
Sa pagtibok nito sana'y di mo na hanapin
Sa alaala mo'y pilit mong buburahin
Pagsuyo niyang lubhang huwad man din

Ilang ulit mo na bang ito'y sinabi
Paulit-ulit lang at di maiwaksi
Pag-ibig ba'y hihintayin na lang matigil
Hanggang puso'y maging manhid
at buhay ay mapawi

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success