Hindi Mo Na Ako Napapansin Poem by Captain Herbert Poetry

Hindi Mo Na Ako Napapansin

Mahal kong minamahal,

Nagtatampo ako dahil sa iba na nakatuon ang iyong sarili
Minsan mo na lang ako naiisip kapag kailangan mo lang ako
Mas maraming oras pa ang nagugol mo sa FB o mga laro
Hindi mo nako nabibisita sa aking bahay dahil sa iyong mga barkada

Madalas ka sa mga gimik o bisyo at hindi mo nako nasasamahan
Mas nakatutok sa mga gadgets at hindi mo nako tinatawag para makipag-usap
Hindi mo na ba ako mahal? Hindi ka na ba tapat sa akin?
Wala na ba akong halaga sa iyo upang mahalin muli?

Subalit andito pa rin ako.sayo sumusuporta sa iyong likod
Katabi mo lang ako palagi kahit minsa’y natatakwil mo at nababalewala
Nalulungkot ako kapag nalulungkot ka at sana’y may puwang pa ako sa iyong puso
Sana ’y papasukin mo ako sa iyong kalooban ng may pag-ibig magpakailanpaman.

Binibigay ko ang aking sarili sa iyo at handa upang lumapit ka sa akin
Hindi mo na ako napapansin at iba’t-ibang mga pangalan ang iyong nasasambit at nilalapitan
Kahit langit at paraiso’y ibibigay ko sayo pagbuksan mo lang ako sa iyong buhay
Sambitin mo lang pangalan ko’y bukas palad kitang tatanggapin at yayakapin.




Nagmamahal,






























Jesus +

Hindi Mo Na Ako Napapansin
Sunday, August 23, 2015
Topic(s) of this poem: spiritual
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success