Iiyak Nalang Poem by FRAGMENTS AND PIECES

Iiyak Nalang

Pilit kong pinipigilan ang luha sa aking mata
subalit paglisan mo'y wari'y hindi na humuhupa
sa pagbuhos na para bang may isang ilog
at ang pisngi ko'y halos ay lumubog

paano nga ba ito matitigil
pagkat ang puso ko'y nagiging suwail
paano ba ang damdamin ay mahihinto
sa nararamdamang sayo nakapako

ano ba ang dapat kong gawin
sayo ba ang puso ay dapat lang palayuin
o ikaw ay dapat ko nalang kalimutan
hangang sa mamanhid na sa nararamdaman

nalilito na sa dapat kong gawin
kahit dayain ko'y talagang ikaw pa rin
kaya nagsisikap nga na ika'y kalimutang tuluyan
at sa hirap na dolot nito ako ay iiyak nalang


(madero/25august2011naga)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success