Inamorato; Inamorata Poem by Paul Pruel

Inamorato; Inamorata

Ang iyong mga tingin ay napakalagkit
Parang nagpapahiwatig ng pag-ibig
Ang puso ko ay tuluyang nang namagnit
Pinangarap na ikaw ay maka-niig

Ang mamasa-masa’t mapula mong labi
Ibig nila’y dampian ng aking halik
At paliguan ng matamis na tubig
Mula sa pusong tunay na umi-ibig

Kailangan mo ay ang aking mga haplos
Sa bawat araw at gabi na lilipas
Buhay nati’t kaluluwa’y mag-iisa
Sa duyan ng pagmamahal at ligaya

Sa ating mundo, tayo ay magsasama
‘Di magkakawalay at laging masaya!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success