Marites C. Cayetano

Freshman - 518 Points (Philippines)

Inang Ibon - Poem by Marites C. Cayetano

Inang ibon
sa di kalayua'y
munti niyang pipit
kanyang pinagmasdan
habang ang mga ito'y
nagsumikap maibuka
kanilang munting pakpak.

Inang ibon
para sa munti niyang mga pipit
walang takot na binabaan
ang kanyang lipad
upang itaboy
palayo sa pugad
isang pusang ligaw
na tila gutom na gutom.

Inang ibon
lumuha din kaya
nang isa niyang pipit
mula sa pugad ay nahulog
at sa mga pangil ng pusa'y
hindi nakaligtas.


Comments about Inang Ibon by Marites C. Cayetano

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Friday, June 15, 2012



[Hata Bildir]