Just For You Poem by Jessie Ilagan

Just For You

Paniwalaan mo ikaw ay mahal ko
Pag-aalinlangan alisin sa isip mo
Pagkat puso ko ay pag-aari mo
Pakaasahan mong ako'y iyong iyo

'Di babaguhin ang aking damdamin
Tanging ikaw lang ang pakaiibigin
Pagtaksilan ka ay hindi gagawin
Mananatiling tapat sa pag-ibig natin

Nagkamali man sa aking nakaraan
Ito ay lubos kong pinagsisisihan
Pagkat alam kong ang katotohanan
Damdamin mo ay lubos kong nasaktan

Lahat ng pangarap na ating binuo
At ang katuparan ng bawat pangako
Mahirapan man di pa rin susuko
Pagkat puso ko ay di nagbibiro

Ibigin ka man ay isang kahangalan
At buong mundo tayo ay hadlangan
Maaaring 'di kita kayang ipaglaban
Pero mas lalong 'di kita kayang kalimutan

January 19,2010
Riyadh, K.S.A.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Jessie Ilagan

Jessie Ilagan

Golden Gate General Hospital
Close
Error Success