May isang bagay
Na pakiramdam ko
Kakaiba siya sa lahat
Kahit ‘di ko siya iniisip
Bigla siyang lilitaw
Sa aking guni-guni…
Sinubok kong kalimutan
At burahin ang kanyang alaala
Nguni’t para siyang linta
Kumakapit nang napakahigpit…
Ang totoo ‘di ko pa siya
Nakikita’t nahahawakan
Buhay siya’t galit na galit
Nakabibingi ang kanyang sigaw
Tumatagos sa puso ko’t kalamnan
Pilit n’yang ginugulo
Ang tahimik kong mundo…
Kaya minabuti ko
Na siya’y ikulong
Ang kanyang mga himutok
At kakaibang nararamdaman
Dito sa isip ko!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
kakaiba nga...napaisip ako sa maganda mong tula kung ano nga ba sya... di ko mawari kasi sa aking isipan...