Kanya-Kanya Poem by Marites C. Cayetano

Kanya-Kanya

Bawat tao
bawat oras
bawat sandali
kanya-kanyang ginagawa.

Bawat tao
bawat oras
bawat sandali
kanya-kanyang alalahanin.

Bawat tao
bawat oras
bawat sandali
kanya-kanyang pag-asa.

Ikaw at ako
sa iisang langit
kanya-kanya nga bang pangarap?

Friday, December 5, 2014
Topic(s) of this poem: dream
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success