Lumimot; Limutin Poem by Judea Mae Espanola

Lumimot; Limutin

Mahirap kalimutan ang nkaraan,
lahat ng ala-ala ng inyong pinagsamahan.
Magkhalong ligaya sa gitna ng sakit,
bumabalik palagi sa twing ikaý pipikit.

Bakit nga ba hindi nabubura,
Mga sandaling ayaw mo ng itago pa?
Minsan sa buhay mo ikaw ay sumugal,
Sa mga salitang animoý sa bato kinintal.

Ngunit mali pla ang iyong akala,
Sa tubig lng pla ito naitala
Tinangay ng hangin, natuyot sa araw,
Hanggang luha'y tuluyan n ngang umapaw.

Ngiti, dulot ng msasayang sandali,
Nilipad na sa ulap, hanggang sa mapawi.
Mapapait na karanasaý bumabalik muli,
Kailan nga ba ito magiging madali?

Kung puso lang sana'y madaling lumimot,
Wala sanang iikot sa mga pasikot-sikot.
Magulo, masakit, walang habas kung humampas?
Bakit ba kailangan pang maghiwlay ng landas...?

Wednesday, March 12, 2014
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Judea Mae Espanola

Judea Mae Espanola

Manila, Philippines
Close
Error Success