Malas, Poem by Pacific Hernandez

Malas,

Binatillo ako, tandang tanda ko pa
Minsan sa kasalan ako'y naimbita
Ng isang ka-barrio, isang kakilala

Noon ay wala pang buffet na kainan
'Dulot' ang tawag sa noo'y in vogue and style
Bisita'y dudulog sa hapag kainan
Sa harap ng nangakahilerang pinggan
Ng food isa-isang saka dudulutan

Kay tagal kong naro'n, di pa nauupo
Tiyan ay umuungol, malakas ang kulo
Dahil pag sinabing 'Dulog na po kayo.'
Di ako masingit, natatabig ako

Ang oras na po ay alas dos ng hapon
Nang groom ay lumapit, ako ay tinanong
'Pare, ang handa ko'y nagustuhan mo ba? '
'Ikaw ba'y nabusog? ', idinagdag pa niya
Sagot ko'y 'Oo Pards, lang ay namamahinga.'

Pagtalikod ng groom ako na'y umiscram
Sa aming bahay ang akin na nadatnan
Ay lamig na kanin at tigang na ulam

Another story, binatillo pa rin
Na kami'y mamiesta, may nagyaya sa 'kin
Siya ay aking kaibigan, kay tagal tagal na
Kaya ako ay confident, pinagbigyan ko siya

sa karatig bayan kami'y naroon na
Na patayo-tayo sa tabing bangketa
'Bakit tayo naririto, dahila'y ano ba? ',
Tanong ko sa friend ko na aking kasama
Naku po! mga reader! naritong sagot niya,
'Tayo'y nakatayo dito nang upang matanaw
Ng aking kakilala na siya nating kakainan.'
'Naku Pare, ang labo mo! Akala ko'y imbitado ka!
Ikaw pala'y 'patanaw' lang, di tunay na inimbita!
Baka naman ika'y merong dito'y ibang kakilala
Do'n na lang tayo lumipat, yon ay massigurado pa! '
'Doon tayo kay Tiyo Enteng' ang sa akin ay sagot niya
Kay Uncle Vincent nga kami ay tumuloy at nagpunta
Ang kinain namin do'n- mga tira tira

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success