Mapansin Poem by Judea Mae Espanola

Mapansin

Sabi ng puso ko’y mahal daw kita.
Sabi ng isip ko’y huwag daw maniniwala.
Sabi nila ang dami-dami diyang iba,
Sa dami ng tao, bakit daw ikaw pa?

Hindi ko na kayang itago pa, ang nadaramang ito,
Ngunit sa tuwing nakikita ka’y pait ay naglalaho.
Hindi ko na alam kung ano pa'ng dapat gawin,
Upang ang ‘yong pagsinta’y pilit ng mapasaakin.

Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba.
Hindi na alam ng puso ko, kung makakaya ko pa.
Nagtatanong ang isip, bakit daw nagpupumilit?
Gayong hindi alam, kung ako ding ba'ng iniisip.

Di bale na, bahala na, kahit pa ako'y nasasaktan na.
Basta't ikaw pa rin, ang siyang dinadalangin.
Gabi-gabing nagdarasal, sa may lalang na maykapal,
Na 'yong mapansin ang aking pagtingin...

Wednesday, March 12, 2014
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Judea Mae Espanola

Judea Mae Espanola

Manila, Philippines
Close
Error Success