Nakayuko akong humaharap sa araw
Hindi ako tumitingin, laging nakatalungko
Sinasabayan ko ng lungkot sa aking mga mata ang bawat pagkakataon.
Nais kong lumiban sa mundo
Lagi na lamang pighati, dalita, kawalan ang nasa pook na ito
Ngunit ako'y nangamba
Ako'y natakot
Paano kung ako lamang ang tanging nakatalungko
Hinimok ko ang aking sarili
Minulat ang aking mga mata
Sinikap na itaas ang aking noo
Doon ko nakita ang isang talang hindi ko pa nakikita
Ang paglubog ng araw
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem