Nectar And Tears Poem by Pacific Hernandez

Nectar And Tears

Araw na nagdaan natin nilingon ko
Aking inaninaw, dahilan ba'y ano
Landas ng puso ko't landas ng puso mo
Ay nagkahiwalay, may sala ba'y sino

Tayo'y nagsumpaan na magmamahalan
Sa simula hanggang magpakailanman
Ang mga araw na sa ati'y nagdaan
Ay alaala na kay tamis balikan

Sa mga gabi na tayo'y namamasyal
Mga halakhak mo'y kay sarap pakinggan
Matamis na halik, sa iyo natikman
Di ko hahanapin kahit kanino man
Ang mga pangarap natin ay binuo
Parang ng panahon, di kayang iguho
Ang namagitan sa atin na pag-ibig
Nectar ang katulad, walang gasing tamis

Ngunit bakit ganoon, hindi natagalan
Puso mo'y nalihis, ng landas naligaw
Ang iyong puso ay naging salawahan
Ang aking pag-ibig, iyong sinuklian
Ng di pag-ibig din kundi kataksilan
Tula ng pag-ibig natin ay natala
Sa papel ng dusa, tinta'y aking luha

Ang taksil mong puso ay nais bumalik
Sa puso kong wasak, sa sakit na'y manhid
Di ko matatanggap ang iyong pag-ibig
Pag ako'y lumingon, aking nadadama
Ang pait ng iniwan mong alaala
Nakaraan nati'y may bahid ng dugo
Ng aking naluray, nadurog na puso

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success