Ngayong Gabi Ay Maisusulat Ko Ang Pinakamalulungkot Na Linya Poem by Taritz Geronimo

Ngayong Gabi Ay Maisusulat Ko Ang Pinakamalulungkot Na Linya

Ngayong gabi ay maisusulat ko ang pinakamalulungkot na linya

Isulat, halimbawa, ‘Ang gabi ay napapalamutian ng mga tala
At ang asul na bituin ay nanginginig sa kalayuan.’

Ang hangin ng gabi ay umiikot sa kalangitan at umaawit.

Ngayong gabi ay maisusulat ko ang pinakamalulungkot na linya.
Minahal ko siya, at minsan minamahal nya rin ako.

Sa mga gabing tulad nito ay yakap ko siya sa aking mga bisig
Hinagkan ko siya nang paulit-ulit sa ilalim ng walang hanggang kalangitan.

Minahal nya ako minsan, at minahal ko rin siya.
Sinong hindi magmamahal sa kanyang malamlam na mga mata.

Ngayong gabi ay maisusulat ko ang pinakamalulungkot na linya
Isipin lang na wala na siya sa akin. Ang damhin ang pagkawala nya sa akin.

Ang marinig ang di masukat na gabi, lalo nang di masukat kung wala siya.
At ang talata ay nahuhulog sa kaluluwa tulad ng hamog sa pastulan.

Anong halaga ng pag-ibig kong hindi siya kayang mapanatili.
Ang gabi ay napapalamutian ng mga tala at siya ay wala sa akin.

Ito na ang lahat-lahat. Sa kalayuan ay may umaawit. Sa kalayuan.
Ang kaluluwa ko ay hindi nasisiyahan na siya ay nawala nito.

Hinahagilap siya ng aking paningin na nagnanais na siya puntahan.
Hinahanap siya ng puso ko, at siya ay wala sa akin.

Ang gabi ring ito ay nagpapaputi sa mga puno.
Kami, nang panahong ‘yon, ay hindi na magkatulad.

Hindi ko na siya mahal, ‘yun ay tiyak, pero gaano ko siya minahal.
Sinubukan ng tinig kong hagilapin ang hanging hahaplos sa kanyang pandinig.

Sa iba. Siya ay mapupunta sa iba. Gaya ng mga halik ko dati.
Ang kanyang tinig. Ang kanyang matingkad na katawan. Ang kanyang malamlam na mga mata.

Hindi ko na siya mahal, ‘yun ay tiyak, pero siguro mahal ko siya.
Napakaiksi ng pag-ibig, napakahaba ng paglimot.

Dahil sa mga gabing tulad ngayon ay yakap-yakap ko siya
Hindi nasisiyahan ang kaluluwa ko na siya’y nawala nito.

Datapwat ito na ang huling sakit na idinulot nya sa akin
At ito na ang mga huling talatang isusulat ko para sa kanya.

A Translation of:

Tonight I can write the saddest lines

Tonight I can write the saddest lines.

Write, for example, 'The night is shattered
and the blue stars shiver in the distance.'

The night wind revolves in the sky and sings.

Tonight I can write the saddest lines.
I loved her, and sometimes she loved me too.

Through nights like this one I held her in my arms
I kissed her again and again under the endless sky.

She loved me sometimes, and I loved her too.
How could one not have loved her great still eyes.

Tonight I can write the saddest lines.
To think that I do not have her. To feel that I have lost her.

To hear the immense night, still more immense without her.
And the verse falls to the soul like dew to the pasture.

What does it matter that my love could not keep her.
The night is shattered and she is not with me.

This is all. In the distance someone is singing. In the distance.
My soul is not satisfied that it has lost her.

My sight searches for her as though to go to her.
My heart looks for her, and she is not with me.

The same night whitening the same trees.
We, of that time, are no longer the same.

I no longer love her, that's certain, but how I loved her.
My voice tried to find the wind to touch her hearing.

Another's. She will be another's. Like my kisses before.
Her voide. Her bright body. Her inifinite eyes.

I no longer love her, that's certain, but maybe I love her.
Love is so short, forgetting is so long.

Because through nights like this one I held her in my arms
my sould is not satisfied that it has lost her.

Though this be the last pain that she makes me suffer
and these the last verses that I write for her.

Pablo Neruda

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success