Patricio Geronimo Mariano

(17 March 1877 - 28 January 1935 / Santa Cruz, Manila / Philippines)

¡Paalam! - Poem by Patricio Geronimo Mariano

Matapos ang gayóng mg̃a sálitaa't
matapos pumayag ang mg̃a upahán,
ang wikang nápalit sa dating sigawa'y
¡Mabuhay ang sipag! ¡Si Teta'y mabuhay!
Katuwaang lahát, sa lahát ng̃ bibíg
pawang kagalakán ang nang̃asasambít,
dapwa'y nápatang̃ing may pataw sa dibdíb
ang ating si Pedro na di makaimík.
Malaon nang lubhang siya'y nároroon
at minamatyagán kung saan hahantóng
iyong salitaan, ng̃uni't ng̃ manuynóy
ang lahát ng̃ bagay ...nagtagláy lingatong.
Kaya't ng̃ mapuná, ang gayón, ni Tetay
ang hirang na sintá'y agád linapitan,
pinakáusisa, hanggáng sa tinuran,
ng̃ ating binata, yaong dináramdam.
Siya'y maralitá't ang kaniyang hirang
ay hindi na dukha, anák ng̃ mayaman,
¿di kaya masabing iyong pagmamahál
ay may halong ling̃ap sa pilak na kináng?


Comments about ¡Paalam! by Patricio Geronimo Mariano

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Monday, June 11, 2012

Poem Edited: Monday, June 11, 2012


[Hata Bildir]