Paalam Poem by Catherine Agunat

Paalam

Ala-alang isinilid sa kahon
Pagkagising, sa limot ibinaon
Mga pangakong dati'y pinahalagahan
Naging kapara ay lumang basahan.

Ang maraming taon ng pag-asa
Ginunaw ng mga pangarap na balisa
Kaya serye ng luhang nag-uunahan
Hindi na rin mamamataan.

Pagkakataong noon ay iginawad
Para sa bagbabagong hinangad
Sinuklian lang ng kalupitan
Na ang pait ay tumagos sa kalamnan.

Mula ang langkag na sumpaan,
Sa alikabok nanirahan
Saysay ng pag ibig na wagas,
Noon din ay nagwakas.

Kaya ngayon,

Sa apat na sulok ay wala nang matatanaw
Katahimikan ang siyang umaalingawngaw
Kuwadrong dati'y may nilalaman
Hindi na maaninag ang larawan.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success