Padi Nakita Ko Kayo Ni Kumare Poem by Rey Benipayo

Padi Nakita Ko Kayo Ni Kumare

Padi, kagabi pagkatapos kong magsimba
Nakita kita kasama si Kumare na di kasama si Kumpare
Magkahawak kamay sa isang tabi ng park at masaya
Mapapagkamalan na kayong magkasintahan
Dahil sa sobrang sweet nyo… nagdate ba kayo?
Hinahalik halikan mo pa si Kumare sa leg
Ayos lang yun sa kanya tuwang tuwa pa nga
Nang magsawa kayo sa park ay naghiwalay kayo
Ay sinundan ko kayo, naglakad ka palayo sa kanya
Si Kumare naman ay sumakay sa isang habal habal
Pasimple kayong pumasok sa isang motel
Na malayo sa atin nang di kayo mabuko
Natagalan kayo doon at inabot kayo nang ilang oras.

Padi, bakit mo kinama si Kumare at bakit pumatol siya?
Bakit niyo pinagtataksilan ang bestfriend kong si Kumpare
Kailan pa ba ang relasyon ninyo?
May anak na kayo't sarilng mga pamilya
Bakit pinagtataksilan niyo ang asawa niyo?
Paano kung malaman ito nila?
Ano bang ginawa sa'yo ni Kumpare?
Patawarin mo ako Padi, di ko kaya
Kung ako man ang maglalabas ng baho niyo
Tandaan mo Padi, "Walang sikretong di nabubunyag! "
Kaya ngayon pa lang magtago ka na sa likod ng nanay mo
Bukas na bukas din ay malalaman na ito ni Kumapare
Ako mismo ang magsususmbong sa kanya! ! !

Tuesday, August 19, 2014
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success