Pag-Ibig Na Wagas At Tunay Poem by Jesus Diaz Llorico

Pag-Ibig Na Wagas At Tunay

Rating: 3.5

'Mga punong salat sa lamig
na tila nangungunyapit
sa ginaw na dulot
ng hanging amihan
at makikita sa kapaligiran
ang malamlam na kadiliman
pero mga dahon at sanga
na kung pagmamasdan
mistulang mga ilawan
sa munting liwanag na dulot
ng mapanglaw na buwan

kayat aking hihintayin
ang panahon natin giliw
na kapag hinawi na ng umaga
ang dilim sa kapatagan
ang ningning muling makikita
sa mga sanga at dahon
na muling magiging sariwa
at tayo'y muling hihiga
sa ilalim ng punong dalisay
para pagsaluhan ang pag ibig
na wagas at tunay.'

Tuesday, November 29, 2016
Topic(s) of this poem: love and dreams
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success