Panaghoy Ni Inang-Bayan Poem by Paul Pruel

Panaghoy Ni Inang-Bayan

Sa sobrang hirap na aking pinapasan ngayon
Halos panawan na ako ng aking lakas
Ang katawan ko’y hinang-hina na

Sino kaya sa aking mga anak
Ang may puso't handang umalalay
Na ako’y kaniyang yakapi’t tulungan?

Ang sakit at kirot na aking nararamdaman
Ay sanhi ng tuloy-tuloy na paglapastangan
At walang patumanggang iringan ng aking mga anak

Pangarap ko’y matahimik na tahanan
Ngunit ang aking mga inakay ay mga pasaway
’Di magkasundo’t laging nag-aaway

Ang ugat ay ang aking kapangyariha’t salapi
At iba kong mga ari-arian na aking ipapamana sa kanila
Sa oras na ako’y panawan na ng buhay

Subalit ‘di sila makapaghintay
Ang gusto nila’y makuha na agad
Ang kanilang pamana at pamamahala

Dahan-dahan nila akong pinapatay!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success