Pangarap Poem by Jesus Diaz Llorico

Pangarap

'Sa tamis ng ngiti at maamong mukha
mga simpleng galaw na nakakahanga
kaya maraming tula sa iyo'y nalathala
pagkat sa tagal na nating magkakilala
nahalata kong ako'y mahal mo din yata
kahit puso mo'y may may-ari ng iba
sa araw araw ay lagi pa rin umaasa
na maramdaman ko din sana
ang pag-ibig na dulot mo sa kanya

Ang mga taong sa lugar n'yo nakatira
hindi alam ang swerteng nakikita
gandang nasisilayan nila sa tuwi-tuwina
at bango na tulad ng sampaguita
kaya't sa pangarap na lang uli sinta
sa ibang panahon kapag pag-ibig malaya
sa malayong lugar at mundo'y maraya
na kung meron ka mang makasama
ay sana tayo namang dalawa.'

Thursday, December 25, 2014
Topic(s) of this poem: love and art
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success