'Para Sa Iyo' Poem by Leomar Palorma

'Para Sa Iyo'

Rating: 2.3


Alay ko sa iyo ang puting rosas
Simbolo ng pag-ibig kong wagas
Tulad ka ng mamahaling hiyas
Na kumikinang sa loob at labas

Salamat dahil di ka nagbago
Kung nagkataon ay ikalulungkot ko
At magdurugo itong puso
Kapag sa akin ikaw ay lalayo

Sana dumating ang panahon
Na mabigyan ng pagkakataon
Maipamalas pagmamahal at atensiyon
Iaalay sa iyo lahat ng iyon

Kaya gagawin ko ang lahat
Upang maging karapat-dapat
Sisikaping maging matapat
Ng ang pagsasama ay maluwat

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success