Pinoy - Salamat At Paalam Poem by Masked lady

Pinoy - Salamat At Paalam

Salamat, Kailangan ko ng magpaalam,
Ako'y napadaan lamang, pasensya sa paggambala.
Salamat sa mainit nyong pagtanggap
batid ko ito'y walang halong pagpapanggap.

Hindi kita malilimutan
Bahagi ka ng aking nakaraan
Subalit hanggang doon na lamang
Salamat sa masayang nakaraan.

Muli, salamat at paalam
Nawa ikaw ay basbasan
sampu ng iyong mga mahal sa buhay
mahabang buhay at magandang kalusugan.

Salamat at paalam
Hanggang sa muli kaibigan
Nawa'y di mabago ng panahon
pagkatao mong mahinahon.



Masked Lady
Aug.22,2009

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Masked lady

Masked lady

Manila, Philippines
Close
Error Success