Pisiyang Rondo #1 - Sa Mga Kalalakihan Poem by Yehoshua Shim'onai

Pisiyang Rondo #1 - Sa Mga Kalalakihan



Gaano man kahirap
Sa pagsubok humarap,
Gaano man katuso
Bumayubay ang diablo -
Tunay na lalaki ang sa Dios
Nagpapakatatag ng lubos.

Gaya'ng mga propeta
Na tumindig sa tama,
Siya'y naninindigan
Kahit mapahiya man -
Tunay na lalaki ang sa Dios
Nagpapakatatag ng lubos.

Damdamin nia'y matibay
Sa iisang maybahay
Puso'y 'di maligaw ng
Ibang kababaihan -
Tunay na lalaki ang sa Dios
Nagpapakatatag ng lubos.

'Sang gabay na butihin
Sa kanyang mga supling;
Ang Salita ng Dios sa
Kan'la'y pinamamana -
Tunay na lalaki ang sa Dios
Nagpapakatatag ng lubos.

Salita nia'y may diwa,
Wika'y sinasagawa;
Dangal nia'y walang pilat
Sa dila niang matapat -
Tunay na lalaki ang sa Dios
Nagpapakatatag ng lubos.

Umaapaw sa pag-ibig
Kahit sa umuusig,
Dalangi'y pagpapala
Kahit sa sumusumpa -
Tunay na lalaki ang sa Dios
Nagpapakatatag ng lubos.

Sia'y puno ng pag-asa
Lahat man ay mawala,
Patuloy na nananalig
Mabigat ma'ng pagliglig -
Tunay na lalaki ang sa Dios
Nagpapakatatag ng lubos.

Sa Espiritu'y galing
Kanyang taglay na galing,
Lakas ni Jesu-Cristo
Sa kanya'y nagtatayo -
Tunay na lalaki ang sa Dios
Nagpapakatatag ng lubos.

'San na'ng mga lalaki
Na tunay at mabuti?
Saan nga ba lumikas
Tunay na malalakas?
Tunay na lalaki ang sa Dios
Nagpapakatatag ng lubos.

Bangon, kalalakihan!
Bangon sa katuwiran;
Bumangon kang matibay
Mula sa pagkatamlay -
Tunay na lalaki ang sa Dios
Umiibig ng lubos-lubos!

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Inspired by Edwin Louis Cole's book entitled 'Strong Men in Tough Times.'
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success