Bakit ikaw pa ang aking minahal?
Gayong hindi ikaw ang laman ng dasal
Kung pag-ibig lang sana'y naaaral
Puso'y tuturuang sa iba magmahal
Wala naman sa'yo ang hinahanap ko
Ngunit ang puso ko ay nabihag mo
Sabihin mo naman ang iyong sikreto
Sapagkat ako ay patay na patay sa'yo
Puso'y masaya sa tuwing nakikita
Ang iyong tila nangungusap na mata
Hindi kaya ako ay ginayuma
O kaya naman ako'y minahika?
Ano nga ba ang dapat kong gawin?
Upang ako'y wag mong balewalain
Pusong nasasaktan sana'y pansinin
Aking pagsamo sana'y iyong dinggin
Nais nang sabihin sa aking damdamin
Paglingap mo ay wag nang asamin
Paglalambing mo wag nang hintayin
Pagkat puso ko ay napapagod din
Kahit nasasaktan at may dinaramdam
Puso kong ito'y di magpapaalam
Sapagkat ang puso ay sadyang maalam
Daig ang isip na may agam agam
January 15,2010
Riyadh, K.S.A.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem