Saiyo Kaibigan Poem by FRAGMENTS AND PIECES

Saiyo Kaibigan

Wala ka bang kapaguran
halos ginagawa mo'y magdamagan
hindi ka ba talaga napapagod
o nangangawit man lang ang mga tuhod

pawis at luha mo'y tila natuyo na
sa pagsisikap na ika'y makagawa
ng hinahangad na mithiin
kahit sa gitna pa ng dilim

maaari ba akong magbigay
ng payo saiyo't liwanag sa buhay
pagkat nakikita ko ang iyong pagpapagal
at ang katayuan mong hingal na hingal

gulanit na ang iyong pagkatao
wala ka ba itititra pati sa sarili mo
kahit kapirangkot at payak na awa
at palawakin pa ang 'yong pang-unawa

ako'y nananaghoy saiyo kaibigan
nararamdaman ko ang iyong kahirapan
ang sugat at pasa sa iyong katauhan
sa lunas niyan panahon ang kailangan

batid kong hindi ganun kadali
mga paghihirap na iyong pinili
nandito lang ang kaibigan mo
nagmamasid at umaalalay saiyo.


(madero/23august2011naga)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success