Sana Klaro Poem by cosheila bihag

Sana Klaro

Rating: 5.0

marahil bulag na parang walang nakita
marahil bingi na parang walang narinig
marahil mahinang pakiramdam na parang walang napansin

ito'y estudyante ng psychology na nag-aaral sa ugali ng tao
at hindi estudyante ng psychic na nag-aaral manghula sa kapalaran ng tao
kaya hindi ito perpekto na makasagap ng pangyayari sa dinaraanan at dinaramdam ng tao

kung nandito ka, magpakita't magparamdam ka
kung may sasabihin ka, ipahiwatig mo ng klaro
para naman malaman at mapag-aralan ito.

COMMENTS OF THE POEM
Captain Herbert Poetry 30 April 2014

Ipahiwatig ng Klaro..Sharing openly and clear. Well done

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
cosheila bihag

cosheila bihag

Poblacion, maigo Lanao del Norte
Close
Error Success